Tuesday, February 28, 2006

for the love of cellphone....

"... ang aking buhay.... ikaw ang laging kapiling... hahamakin ang lahat, basta't para sa'yo..."

nakakatawa. nakakainis. puyat. gutom....

when: last night

sis: nasa ospital si ahia.
me: ha? bakit? anong nangyari?
sis: tumalon sa jip, may holdaper sa jip.

so, go na kami sa ospital, tinatahi na raw kung sugat sa upper right head ng kuya ko.... hintay... x-ray raw ang kamay.... hintay.... may nabaling buto, kailangan daw operahin...lalagyan daw muna ng cemento, allergy pa ata sa gamot... skin test... hintay... after nun... pwede na raw umuwi.... buti di na kailangang i-confine. haayy...

so anong nangyari?? ayaw ibigay ng kuya ko cellphone niya, a N6510. kaya ayun, at may i talon siya sa jip, somewhere in pedro gil (malvar st.). nasugatan ang ulo niya na kailangang itahi, nabalian nang buto sa right arm na kailangang iopera. hmmm.... worth it ba siya? NO NO NO. mas malaki pa ata nagastos niya sa paggamot, at di pa siya makapag-work. haayy.... eto nalang.... at least...... naisalba ang cellphone niya. tsk tsk tsk!

nakakalungkot lang... buti yun lang ang nangyari sa kuya ko. nakwentuhan ko ang pulis s ospital... dami na palang cases na ganun. may babae, tumalon din sa jip, di naman dead on arrival pero namatay din after ilang days. may mag-ama, lalaki, di rin nila sinasanto ang marunong mag-karate. may case na ganito, lumaban ang biktima, binaril siya. tsk! tsk! tsk! what a brutal way to die..... better to give up the cellphone kaysa naman makita ang pic mong duguan sa tabloid. eto masasabi ko dyan.... wa-poise!

3 comments:

anton said...

hay naku, ang tigas ng ulo ni ahya. piaw si! joke lang.

i heard my tita saying this to my cousin.. if kinuha ceelphone mo, ibigay mo na.. bibilhan kita ng mas maganda! oha?! :)

~ shy violin ~ said...

sinabi mo pa! nasa ospital pa kuha ko ngyon. saya diba?! nilagyan ng wire ang right elbow niya. under observation pa. nakakaawa siyang tingnan na nakahiga sa kama. kaliwang kamay niya naka-dextrose, kanan naman inoperahan... pano pa siya kikilos. this really serve a good lesson for him na wag nang lumaban para sa cell. it's not worth it.

ayus! di naman siguro siya pa-holdap para lang mabilhan ng bagong cell. haha!

Ai Chi said...

buti kung cellphone lang... eh papaano kung may mga PRIVY PIX sa cell? harharhar. Kaya siguro tumalon dahil merong something special sa cell na yun. JK LANG. ei, wala ka ng updates ah. San na ang mga pix mo!?!